12 October 2025
Calbayog City
National

Goitia kay Nartatez: Ang Heneral na Nagpapakumbaba sa Harap ng Diyos

SA panahon ngayon, madalas sinusukat ang liderato sa ranggo o kapangyarihan. Pero si PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ay bukod-tangi. Tahimik siya, may prinsipyo, at higit sa lahat, may pananampalataya.

Sa unang araw ng Novena Mass ng Nuestra Señora del Pilar de Manila sa Sta. Cruz Parish, Maynila, isang tagpong hindi malilimutan ang nasaksihan: si Chief Nartatez, isang heneral, lumuluhod sa harap ng altar — hindi bilang pinuno kundi bilang lingkod ng Diyos. Ang misa ay pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula.

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang simpleng kilos na iyon ay may malalim na kahulugan.

“Kapag ang isang makapangyarihan ay lumuluhod at nagpakumbaba sa harap ng Diyos, itinatanghal niya hindi lang ang sarili kundi ang buong institusyong kanyang kinakatawan,” ani Goitia. “Ipinapaalala ni Chief Nartatez na ang tunay na kapangyarihan ay nagmumula sa pananampalataya, hindi sa takot.”

Paniniwala at Pamumuno

Hindi lang basta seremonya ang pagdalo ni Chief Nartatez. Isa itong patunay ng kanyang pananalig. Sa loob ng serbisyo, palagi niyang pinapaalala na ang disiplina at pananampalataya ay dapat magkasama, dahil hindi lang utak at tapang ang kailangan sa paglilingkod kundi puso at gabay ng Diyos.

Ayon sa PNP, sinusuportahan ni Nartatez ang mga programang nagtataguyod ng pananampalataya at kabutihan, para mapatatag ang tiwala sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.

“Ang pamumuno ay hindi lang trabaho ng isip at kamay,” sabi ni Goitia. “Ito ay tungkulin ng puso. Si Chief Nartatez ay namumuno nang may kababaang loob at tapang na manampalataya.”

Pinunong May Pananalig

Bilang pinakamataas na opisyal ng PNP, pasan ni Nartatez ang bigat ng tungkulin at responsibilidad. Pero sa likod ng uniporme at ranggo, isang taong may malalim na pananampalataya ang makikita — isang lider na alam kung saan nanggagaling ang kanyang katatagan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.