NAGLUNSAD ang China ng military exercises na binigyan ng code name na “Strait Thunder-2025A” sa gitna at southern areas ng Taiwan Strait, bilang pagpapatuloy ng drills na nagsimula noong nakalipas na araw.
Ayon sa isang senior Taiwan security official, mahigit sampung Chinese warships sa “Response Zone” ng Taiwan, kaninang umaga.
ALSO READ:
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Kasama rin aniya sa “Harassment” drills, maging ang Chinese coast guard.
Noong nakaraang taon ay tinawag ng China ang dalawang rounds ng major war games sa paligid ng isla bilang “Joint Sword-2024A” at “Joint Sword-2024B.”
Iginigiit ng China na saklaw ng kapangyarihan nito ang Taiwan na mahigpit namang tinututulan ng gobyerno ng Taipei.
