ISINARA ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang first quarter ng 2025 na mayroong mahigit 50 billion pesos na halaga ng approved investment commitments.
Sa statement, sinabi ng PEZA na inaprubahan nito ang animnapu’t anim na bago at expansion projects na nagkakahalaga ng 58.947 billion pesos simula Enero hanggang Marso.
Kumakatawan ito sa 24 percent ng approved investments target ng investment promotion agency ngayong taon.
Mas mataas din ang naturang pigura ng 294.26 percent mula sa 14.951-billion peso na investment pledges na inaprubahan sa unang quarter ng 2024.