WALANG banta sa liderato ni House Speaker Bojie Dy sa Kamara.
Ito ang sinabi ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon kasunod ng mga bali-balitang pagpapalit ng house speakership.
ALSO READ:
Ayon kay Ridon, ang sunud-sunod na pagpapahayag ng suporta ng mga mambabatas sa pamumuno ni Dy ay paggigiit lamang at pagpapakita na ang Kamara ay nagkakaisa partikular sa pagsusulong ng mga legislative agenda lalo na ang legislative agenda ng Administrasyong Marcos.
Ani Ridon, hindi rin ito ang tamang panahon para ma-distract ang Kamara.
Ito ay dahil hindi pa aniya naipapasa sa ngayon ang panukalang Pambansang Budget sa susunod na taon.
Una nang lumabas ang mga balitang itinutulak si House Deputy Speaker Ronaldo Puno para pumalit kay Dy.




