Umakyat na sa labimpito ang bilang ng mga nasawi sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Mindanao, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa press briefing, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na mayroon din silang naitalang apat na nasugatan at walong nawawala.
Ayon kay Acorda, mahigit isanlibo apatnaraang pulis ang idineploy para tumulong sa mga biktima ng pagbaha at landslides sa Davao Region.
Idinagdag ng Chief PNP na mayroong tatumpu’t tatlo katao ang nailigtas ng mga pulis mula sa epekto ng masamang panahon.