Inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagdagsa ng isang milyong katao kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year, o year of the wooden dragon.
Sinabi ni Manila City Administrator Bernie Ang, na dahil sa inaasahang malaking bilang ng mga bisita, humingi sila ng tulong sa Manila Police District para sa karagdagang seguridad.
Ipinaliwanag ni Ang, na masaya ang buong Chinese community sa pagsalubong sa Chinese New Year dahil mula aniya sa labindalawang zodiac signs, ang dragon ang pinakamataas.
Magkakaroon ng fireworks display sa Feb. 9, araw ng biyernes na idineklarang special non-working day ng Malakanyang.
Susundan ito ng float parade sa araw ng Sabado, kung saan nasa apatnapung floats ang lalahok.