ITINANGHAL si Bernadeth Pons bilang Most Valuable Player (MVP) makaraang pangunahan ang Creamline na masungkit ang 2024 PVL Reinforced Conference title sa philsports arena sa Pasig City.
Ang bente syete anyos na outside spiker ang lumitaw na second-best local scorer sa quarterfinals, matapos makapagtala ng 147 points bago ang semis, kabilang ang 136 attacks, 6 aces, at 5 blocks.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Si Pons na hinirang din bilang Finals MVP ay pumangalawa rin sa rankings sa reception na may impresibong 45.61 percent efficiency rate at pang-anim sa digging, sa kanyang 3.06 digs per set.
