IPINAGDIWANG ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto ang panibagong milestone ng kanilang lumalaking pamilya.
Noong miyerkules ay inanunsyo ni Oyo ang pagdating ng pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya na si Isaiah Timothy.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Ibinahagi rin ni Oyo ang larawan ng lahat ng kanyang anak na nakahanay simula sa panganay hanggang sa bunso na nakaupo sa sofa.
Ang unica hija ng pamilya na si Ondrea Bliss ang may kalong sa kanilang bagong silang na baby brother.
Pebrero nang i-upload ni Kristine ang isang ultrasound photo at inanunsyo ang inaasahang pagdating kanilang baby no. 6 ni Oyo bago matapos ang taon.
