BUMAGAL ang inflation o ang paggalaw sa presyo ng mga bilihin at serbisyo, sa 3.3 percent noong Agosto mula sa 4.4 percent noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sa tala ng PSA, bumaba sa 3.9 percent ang food inflation noong nakaraang buwan mula sa 6.4 percent noong Hulyo.
Bumagal din ang Transport Inflation sa -0.2 percent kumpara sa 3.6 percent noong ika-pitong buwan.
Samantala, bumagsak din ang inflation para sa poorest filipino families sa 4.7 percent mula sa 5.8 percent noong July.