INAASAHAN ng Lokal na Pamahalaan ng Silago sa Southern Leyte ang pagdating ng mas maraming investors, kasunod ng pormal na deklarasyon ng Stable Internal Peace and Security Condition (SIPSC) sa lugar.
Sinabi ni Mayor Lemuel Honor na magsisilbing daan ang Peace Milestone para sa paglago at pagsigla ng ekonomiya, dahil mas magiging bukas na ang silago para sa Investment, Tourism, at Livelihood Activities.
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Idinagdag ng alkalde na sila ang huling munisipalidad sa Southern Leyte na naapektuhan ng New People’s Army (NPA).
Sila rin aniya ang pinakamalaking bayan sa probinsya, by Land Area, at ngayon ay wala nang presensya ng NPA sa kanilang Upland Areas.
Opisyal na inanunsyo ang deklarasyon sa isang seremonya sa Silago Municipal Auditorium, senyales na patungo na ang bayan sa kapayapaan at katatagan.
Nagkaroon din ng paglagda sa Memorandum of Understanding sa pagitan ng Local Government, Security Forces, at iba pang stakeholders.
