HALOS labing dalawang taon matapos humagupit ang Super Typhoon Yolanda sa Tacloban City, nagtipon-tipon ang mga pamilya para mag-alay ng mga bulaklak at magtirik ng kandila sa isang Mass Grave.
Nasa 2,273 ang mga nailibing sa Mass Grave, na ikinunsiderang Ground Zero ng Bagyong Yolanda noong 2013.
ALSO READ:
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Ang Site ay nilagyan ng mga puting krus at may ilang lapida habang ang ibang krus ay sinulatan ng pangalan ng mga nasawi.
Nagtayo ang Local Government ng isang malaking krus sa Mass Grave bilang pag-alala ng mga survivor sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Malapit naman sa krus ay ang mga nakaukit na pangalan ng mga biktima ng Super Typhoon.
