PORMAL nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ganap na batas ang panukalang ipagpaliban ang pagdaraos ng 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Sa ilalim ng Republic Act 12232, hindi muna isasagawa ang Barangay at SK Elections na orihinal na nakatakda sa December 1, 2025 at sa halip ay gagawin na lamang ito sa unang Lunes ng susunod na taon o sa November 2, 2026.
ALSO READ:
Ang mga mahahalal ay magsisimulang manungkulan sa pwesto ng December 1, 2026.
Lahat ng kasalukuyang opisyal ng Barangay at SK ay mananatili sa pwesto hanggang sa maidaos ang eleksyon.
Inaatasan ang Commission on Elections na mag-isyu ng Implementing Rules and Regulations tungkol sa naipasang batas sa loob ng 90-araw.