13 October 2025
Calbayog City
National

Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island

BINOMBA ng tubig saka binangga ng China Coast Guard (CCG) Ship ang isang barko ng Pilipinas sa katubigan ng Pag-asa Island.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, tatlong barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang ang BRP Datu Pabuaya, ang ligtas na naka-angkora sa Pag-asa Island para magbigay ng proteksyon sa mga Pilipinong mangingisda, bilang bahagi ng “Kadiwa para sa Bagong Mangingisda” (KBBM), kahapon ng umaga.

Gayunman, naharap aniya ang Philippine Vessels sa Dangerous at Provocative Maneuvers ng mula sa CCG, matapos silang lapitan at direktang i-water cannon ang BRP Datu Pagbuaya saka binangga.

Sinabi ng PCG official na nagtamo ng “Minor Structural Damage” ang barko ng Pilipinas subalit wala namang nasugatang crew.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).