ISANG bangkay ng babae na nakagapos at may balot ang mukha ang natagpuan ng mangingisda na palutang-lutang sa katubigan na sakop ng Brgy. 99-Diit sa Tacloban City.
Ayon sa Tacloban City Police Office iniulat sa kanila ng isang mangingisda ang pagkakadiskubre sa bangkay ng babae na walang saplot, nakagapos ang kamay at paa at may takip na itim na tela ang mukha na binalutan pa ng duct tape.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Nakitaan ito ng tattoo sa kanang bahagi ng kaniyang tiyan at sa kaniyang upper at lower back.
Sinabi ni Police Brigadier General Jay Cumigad, Regional Director of Police Regional Office 8, dinala na sa Regional Forensic Unit 8 ang bangkay para maisailalim sa otopsiya.
Umapela din ang pulisya sa mga residente sa lugar na makipagtulungan sa mga otoridad kung may alam silang impormasyon na makatutulong para makilala ang babae.
