Target ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. na bumuo ng intelligence group para sa ahensya.
Sinabi ng kalihim na kasama ito sa direktiba sa kaniya ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang linisin kung mayroong bahid ng korapsyon sa DA.
Bukod dito, plano rin ni Laurel na kumuha ng ilang mga eksperto na mako-konsulta ukol sa pagpapaunlad ng sektor.
Aniya, handa rin siyang makipagtulungan sa mga kasalukuyang opisyal ng kagawaran para ma-assess ang kanilang performance.
Samantala, target din ng kalihim na ibalik ang Bureau of Agriculture Statistics upang maisa-ayos ang mga datos sa sektor ng agrikultura.