18 March 2025
Calbayog City
National

Kamara nagpaalala sa publiko sa sunod-sunod na fake news na ipinakakalat sa social media

kamara fake news

Pinabulaanan ng Kamara ang ipinakakalat na larawan sa social media kung saan makikita ang bulto-bultong pera sa lamesa ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon sa pahayag ng House of Representatives, peke at edited ang ipinakakalat na larawan.

Ipinakita din ng Kamara ang orihinal na larawan.

Paalala ng Kamara, huwag magpabiktima sa maling impormasyon. Kailangan ding maging mapanuri sa mga nababasa sa social media at huwag maging kasangkapan sa pagkalat ng fake news.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.