26 March 2025
Calbayog City
National

US military aircraft na bumagsak sa Maguindanao del Sur ginagamit sa intelligence, surveillance, at reconnaissance support

us military aircraft

Kinumpirma ng U.S. Indo-Pacific Command na nasangkot sa aksidente sa Maguindanao del Sur ang kanilang aircraft na kinontrata ng Department of Defense (DND).

Ayon sa pahayag ng U.S. Indo-Pacific Command, naroroon ang aircraft para magsagawa ng intelligence, surveillance, at reconnaissance support base na rin sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas.

Nangyari ang aksidente matapos ang routine mission nito bilang suporta sa U.S.-Philippine security cooperation activities.

Ayon sa U.S. Indo-Pacific Command, walang nakaligtas sa nasabing insidente.

Lulan ng aircraft ang apat na personnel kabilang ang isang U.S. military service member at tatlong defense contractors.

Hindi naman inilabas ang pangalan ng mga nasawi. Iniimbestigahan na kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng aircraft.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.