27 April 2025
Calbayog City
Province

Baybaying dagat sa ilang lugar ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Leyte at Eastern Samar positibo sa red tide

red tide bfar

Positibo pa sa nakalalasong red tide ang baybaying dagat ng Dumanquillas Bay, Zamboanga Del Sur, Tungawan sa Zamboanga Sibugay, Leyte, Leyte at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mga shellfish na makukulekta sa baybaying dagat ng nasabing mga lugar ay positibo Paralytic Shellfish Poison (PSP) o nakalalasong red tide.

Lahat ng uri ng shellfish kabilang ang alamang ay hindi ligtas para sa human consumption.

Ligtas pa din namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na mahuhuli sa nasaibing mga lugar.

Samantala, ligtas naman na sa toxic red tide ang coastal waters ng Daram Island sa Samar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).