Pinaalalahanan ang mga Pinoy sa South Korea bunsod ng nararanasang matinding lamig ng panahon doon.
Sa abiso ng Philippine Embassy sa Seoul pinayuhan ang lahat ng Filipino nationals sa South Korea na ingatan ang kanilang kalusugan dahil sa malamig na panahon at snowfall na mararanasan sa mga susunod pang araw.
ALSO READ:
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
Ayon sa local weather reports, inaasahan ang pagbagsak ng temperatura at matinding snowfall na may kaakibat na malakas na hangin sa Seoul at mga kalapit na lalawigan.
Pinayuhan ang mga Pinoy na magsuot ng makakapal na damit, gloves, hats, at scarves bilang proteksyon. Pinapayuhan din silang limitahan ang paglabas lalo na ang mga bata, nakatatanda at mga mayroong health conditions.
