MAYORYA ng mga Pilipino ang nagpahayag ng galit sa Flood Control Anomalies at sinusuportahan ang mga imbestigasyon sa naturang eskandalo, batay sa resulta ng OCTA Research Survey.
Sa tugon ng masa survey na isinagawa noong Sept. 25 hanggang 30, 60% ng 1,200 respondents ang nakaramdam ng galit kapag naiisip nila ang korapsyon sa pamahalaan, partikular sa Flood Control Projects.
30 percent naman ang nakaramdam ng takot o pagkabalisa habang 9 percent ang nadismaya o nalungkot.
Lumitaw sa Survey na ang pagka-galit sa katiwalian sa Government Projects ay emosyon na ipinahayag ng mga nakababatang Pinoy, partikular ang Gen Z at Millenials.
Sinabi ng OCTA Research na ang “Strong Emotional Response” ay pagbibigay-diin sa patuloy na pagkadismaya ng publiko sa maling paggamit sa pera ng taumbayan, kaya nababawasan ang kanilang tiwala sa mga ahensya ng pamahalaan.