12 August 2025
Calbayog City
Overseas

Australia, kikilalanin ang Palestinian State sa Setyembre

KIKILALANIN ng Australia ang Palestinian State sa United Nations General Assembly sa Setyembre, kasunod ng kaparehong hakbang ng United Kingdom, France, at Canada.

Sinabi ni Prime Minister Anthony Albanese na tumanggap ang Australia ng commitments mula sa Palestinian Authority, kabilang ang Demilitarise, pagsasagawa ng General Elections, at ipagpapatuloy ang pagkilala sa Right to Exist ng Israel.

Naniniwala si Albanese na ang Two-State Solution ang pinakamabisang paraan para maputol ang paulit-ulit na karahasan sa gitnang silangan at tutuldok sa kaguluhan, paghihirap, at kagutuman sa Gaza.

Ipinaliwanag ng Australian Prime Minister na ang desisyon ay kasunod ng pangako ni Palestinian Authority President Mahmoud Abbas na walang magiging papel ang Hamas sa anumang Future State.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).