LUMAGO sa 1.1 trillion pesos ang kabuuang assets ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, hanggang noong katapusan ng March 2025.
Sinabi ng Pag-IBIG na ang paglobo ng kanilang assets ay bunga ng tuloy-tuloy na financial strength, na nagpatibay sa posisyon nito mula sa mga nangungunang Government Financial Institution sa bansa.
ALSO READ:
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Nadagdagan ng assets ng Pag-IBIG ng 34.27 billion pesos mula sa 1.069 trillion pesos hanggang noong katapusan ng 2024, bunsod ng Sustained Expansion ng loan portfolio nito, masinop na investments, at matatag na member savings.