NAGPADALA ang Philippine Coast Guard (PCG) ng eroplano para bantayan at i-challenge ang isang Chinese Research Vessel na naisapatan malapit sa Cagayan.
Ipinag-utos ni PCG Commandant, Admiral Gil Gavan, ang Deployment ng Aircraft ng Coast Guard para magsagawa ng Maritime Domain Awareness (MDA) Patrol noong Sabado.
ALSO READ:
Ito ay para tapatan ang presensya ng Xiang Yang Hong 05, na namataan, tatlumpu’t pitong milya ang layo mula sa baybayin ng Sta. Ana, Cagayan.
Nagpadala rin ng Radio Challenge ang PCG Aircraft subalit hindi tumugon ang barko ng Tsina.
Unang pumasok sa Philippine Exclusive Economic Zone ang Xiang Yang Hong 05 noong June 7 at umalis noong June 9, subalit muling pumasok sa EEZ noong July 31.