27 February 2025
Calbayog City
Overseas

Apat na construction workers, patay nang bumagsak ang highway overpass sa South Korea

APAT na construction workers ang nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan nang bumagsak ang highway overpass sa South Korea.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang Chinese nationals.

Lima naman sa mga nasugatan ang malubhang nasugatan sa Cheonan sa katimugan ng kabisera na Seoul, ayon sa opisyal mula sa Asan Fire Department. 

Sa dashcam footage, makikita ang towering deck ng overpass na biglang bumigay at bumagsak sa kalsada.

Ongoing ang konstruksyon ng malawakang road network, kaya walang mga sasakyan na nasa paligid ng construction site. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).