PUMANAW na si Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop sa edad na pitumpu’t walo.
Ayon ito sa kanyang kapartido at matagal nang kaibigan na si Antipolo 1st District Rep. Ronaldo Puno.
ALSO READ:
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Sinabi ni Puno, Chairman ng National Unity Party, na inatake sa puso si Acop, noong Sabado ng gabi.
Idinagdag niya na matagumpay ang kidney transplant ng kanyang kaibigan noong Nobyembre at maayos naman ang recovery nito.
Ginawa ni Puno ang pahayag, kasunod ng reports na nagkaroon ng medical emergency sa bahay ni Acop noong Sabado ng gabi, kung saan dinala ito sa ospital subalit binawian din ng buhay kinalaunan.
