Nasagawa ng rescue operation ang Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Barangay Bucana, Ternate, Cavite.
Ayon sa Coast Guard, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen umaga ngayong Biyernes, July 25 na may dalawang motor banca ang hinampas ng malalaking alon at may lulan na anim na katao.
ALSO READ:
Bagong Container Terminal itatayo sa Batangas, ikalawa sa pinakamalaki sa Pilipinas
Kalansay ng tao na natagpuan sa Bulacan, posibleng walang kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero
Dating Palawan Gov. Joel Reyes, guilty sa maling paggamit ng Malampaya Fund
3 magpipinsan, patay matapos tumaob ang sinasakyang tricycle sa Pangasinan
Agad nagkasa ng rescue operation ang PCG at matagumpay na nailigtas ang anim na sakay ng mga motorbanca.
Patuloy naman ang paalala ng Coast Guard na iwasan na muna ang pumalaot dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.