ISANG panalo na lamang ang namamagitan kay Alex Eala at sa kanyang kauna-unahang SEA Games medal.
Ito’y matapos padapain ng Pinay tennis ace ang pambato ng Thailand na si Thasaporn Naklo, sa score na 6-1, 6-4, sa Women’s Singles Semifinals, sa Thailand.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Hidilyn Diaz, bigong makaakyat sa Podium sa kanyang pagbabalik sa SEA Games
Makakaharap ng bente anyos na Pinay ang isa pang Thai ace na si Mananchaya Sawangkaew, sa gold medal match, bukas.
Target ni Eala na masungkit ang kauna-unahang gold medal sa SEA Games matapos makakuha ng tatlong bronze medals sa kanyang debut noong 2022 sa Vietnam.
