PINATUNAYAN ni Filipina Tennis Ace Alex Eala ang kanyang husay sa 2025 Southeast Asian Games, nang padapain ang pambato ng Thailand na si Mananchaya Sawangkaew, sa score na 6-1, 6-2, sa Gold Medal Match.
Ito ang unang gintong medalya ng bente anyos na Pinay sa SEA Games at ikatlong medalya ngayong taon matapos makakuha ng dalawang bronze medals sa Women’s Team event at Mixed Doubles.
ALSO READ:
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Hidilyn Diaz, bigong makaakyat sa Podium sa kanyang pagbabalik sa SEA Games
Noong 2021 ay nanalo ng bronze si Eala sa Women’s Singles event.
Ito rin ang ikatlong gold medal ng Pilipinas sa SEA Games Women’s Tennis, kasunod nina Pia Tamayo noong 1981 at Maricris Fernandez noong 1999.
