NAMAYAGPAG ang gymnast na si Aleah Finnegan sa Women’s Vault Finals sa 2025 Southeast Asian Games, sa Thailand.
Nakamit naman ng pambato ng Vietnam ang silver habang nakuha ng Malaysia ang bronze.
Ito ang ikatlong official medal na nasungkit ng Pilipinas, kahapon, kasunod ng gold-medal victories ng jiu jitsu athletes na sina Kimberly Custodio at Dean Roxas.




