MATAPOS ang matagumpay na reunion shows, pinayuhan ni Rochelle Pangilinan ang fans na mag-ingat sa mga scammer na nag-aalok ng “ticket assistance” para sa third show ng “Get, Get Aw” Reunion Concert ng Sexbomb.
Ginawa ng actress-performer ang babala sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories, kahapon, kung saan ibinahagi niya ang screenshot ng isang social media post tungkol sa umano’y binebentang ticket para sa nalalapit na concert.
ALSO READ:
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
Sinabi ni Rochelle na huwag maniniwala dahil peke ang naturang ticket.
Una nang inanunsyo ng girl group members ang kanilang third show ng kanilang concert, bagaman hindi pa inilalabas ang mga detalye, gaya ng date at ticket selling.
