20 August 2025
Calbayog City
Business

Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero

PINAALALAHANAN ng Department of Transportation (DOTr) ang Airline Companies na magbigay ng napapanahon at eksaktong Updates kaugnay ng kanilang Flights para sa mas maginhawa at Hassle-Free na biyahe.

Binigyang diin ng DOTr na ang Delayed Announcements o kanselasyon ay nagdudulot ng abala sa mga pasahero at karagdagang gastos sa pagkain o akomodasyon.

Sa Advisory ng Civil Aeronautics Board (CAB), intasan ang Airlines sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights (APBR) na agad ipaalam sa mga pasahero ang anumang pagbabago sa kanilang Flights, Delays, o Cancellations.

Pinatitiyak din sa mga Airline ang Convenience ng mga biyahero at ibigay ang lahat ng posibleng Assistance sa mga apektadong pasahero.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).