Idinawit ni dating AKO Bicol Partylist Rep. Zaldy Co si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa flood control scandal.
Sa kaniyang “tell all” video, sinabi ni Co na mismong si Pangulong Marcos ang nag-utos na mag-insert ng P100 billion para sa flood control orojects at iba pang proyekto.
Mismong si dating House Speaker Martin Romualdez din aniya ang nagsabing huwag na muna siyang umuwi ng Pilipinas at ang utos ay galing umano sa pangulo.
Sinabi ni Co na totoong medical check up ang kaniyang pakay nang umalis siya ng bansa noong July 19, 2025 pero inutusan siyang huwag nang bumalik ng Pilipinas at manahimik na lamang.
“Habang papauwi na ako, tinawagan ako ni dating speaker Martin Romualdez at sinabihan, Stay out of the country. You will be well taken care of as instructed by the President.”




