PALALAKASIN ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng apat na summer programs sa Mayo upang mapagbuti ang pundasyon ng mga mag-aaral sa lahat ng antas.
Ang apat na programa ay kinabibilangan ng Bawat Bata Makababasa Program (BBMP), Literacy Remediation Program (LRP), Summer Academic Remedial Program, at Learning Camp (LC).
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Ayon sa DepEd, tututukan ng mga nabanggit na programa ang targeted teaching, mobilization ng volunteers, maging ang kapakanan ng mga mag-aaral, at pakikilahok ng mga komunidad.
Nanawagan si Education Secretary Sonny Angara sa stakeholders na makiisa sa kanilang misyon, dahil bawat batang Pilipino ay may karapatang matutong bumasa, makaunawa, at magtagumpay.
Idinagdag ng kalihim na makakamit lamang ito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
