6 December 2025
Calbayog City
National

PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009 Naghatid ng Pag-asa sa Cebu sa Paggunita ng Kanilang Ika-20 Taong Anibersaryo

Sa paggunita ng kanilang ika-20 Taong Anibersaryo at year-end gathering, pinili ng PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009, Inc. na ipamalas ang tunay na diwa ng serbisyo. Sa halip na magdaos ng malaking selebrasyon, inalay nila ang araw sa pagbibigay ng saya at pag-asa sa mga batang may cancer at kanilang pamilya sa Everlasting Hope Childhood Cancer Mission sa Guadalupe, Cebu City noong Nobyembre 20, 2025.

Sa pag-abot nila ng simpleng mga handog, masasayang laro, at panahon para makisalamuha sa mga bata, nagdala sila ng aliw, pag-asa, at bagong sigla sa mga batang matapang na humaharap sa mabigat na laban. Para sa Class of 2009, ito ang pinakamakabuluhang paraan upang ipagdiwang ang dalawampung taon ng kanilang serbisyo.

Marami sa mga miyembro ng Class of 2009 ang nagsabi na ang ganitong uri ng proyekto ang tunay na kahulugan ng kanilang sinumpaang tungkulin. Mula sa pagiging mga kadete hanggang sa pagiging mga tagapaglingkod sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, dala pa rin nila ang paninindigang unahin ang kapakanan ng komunidad.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).