PLANO ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maghain ng mga kaso sa Sandiganbayan kaugnay ng Flood Control Anomalies sa mga susunod na linggo.
Sa Briefing, sinabi ng bagong ombudsman na iba-base pa rin nila ang Timeline sa mga ebidensya.
ALSO READ:
Aniya, bagaman marami na silang nakuhang mga ebidensya ay sisikapin nila na mabuo ito dahil ayaw nila na maging Cause of Delay.
Idinagdag ni Remulla na kapag nag-file sila ay handa na rin sila para sa Trial.
Kahapon ay nanumpa na si Remulla bilang bagong ombudsman sa harap ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen.
Nangako ang bagong ombudsman na bibigyang prayoridad nito ang imbestigasyon sa maanomalyang Flood Control Projects, kasabay ng pagtiyak na wala itong sasantuhin.