NANAWAGAN ang Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) sa Eastern Visayas para sa agaran at Data-Driven Action para mapabilis ang pag-usad sa Sustainable Development Goals (SDGs), limang taon bago ang pinal na taon nito sa 2030.
Binigyang diin ni Geselle Frances Zeta, Chief Economic Development Specialist ng DEPDev Regional Office sa Tacloban City, ang pangangailangan na pabilisin ang aksyon para maabot ang Goals sa loob ng natitirang limang taon bago ang Deadline.
Sinabi ni Zeta na bumagal ang progreso sa lima mula sa labimpitong Goals sa ilalim ng SDGs, na kinabibilangan ng Gender Equality; Industry, Innovation, and Infrastructure; Reduced Inequalities; Sustainable Cities and Communities; at Climate Action.
Una nang iginiit ng Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Office ang paggamit ng Community-Based Monitoring System (CBM) para i-monitor ang pag-usad ng rehiyon sa pag-abot ng SDGs.