PINALAWIG ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Filing at Payment ng Taxes, pati na ang pagsusumite ng mga dokumento hanggang sa Oct. 31 para sa mga taxpayer na naapektuhan ng malakas na lindol.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., saklaw ng Extended Deadline ang taxpayers na nasa ilalim ng Revenue District Offices No. 80 sa Mandaue City; No. 81 sa Cebu City North; No. 83 sa Talisay City; at No. 123 Large Taxpayers Division – Cebu.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sa Facebook post, sinabi ni Lumagui na layunin ng Extension na bigyan ng sapat na panahon ang taxpayers at BIR personnel sa apektadong lugar upang makapagsumite ng Returns, makapagbayad ng buwis, at makapaghain ng kinakailangang dokumento nang hindi napapatawan ng Penalty, Surcharge, o Interest.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 366,360 katao o 80,595 pamilya ang apektado ng Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu, noong Sept. 30.