WINELCOME ng Northern Samar Provincial Government ang sampung bagong Medical scholars, bilang karagdagan sa lumalaking bilang ng Aspiring physicians na sinusuportahan ng lalawigan.
Sinabi ni Governor Harris Ongchuan na nilagdaan ng sampung pinakabagong tumanggap ng Medical Scholarship Program (MSP) ay ang kanilang kontrata sa Provincial Capitol.
Aniya, inaasahan nila ang pagsisilbi ng mga Medical scholar sa publiko kapag ganap nang doktor ang mga ito.
Sa ilalim ng MSP, binibigyan ang grantees ng hanggang 340,000 pesos na Benefit Package kada taon at Employment sa Provincial Government kapag nakapasa na sila sa Physician Licensure Examination.
Bilang Provincial Medical scholars, ang Aspiring doctors ay Entitled sa 100,000 pesos na Tuition Fee per Semester; 35,000 pesos na Stipend; 30,000 pesos na Book Allowance; at 5,000 pesos na Uniform Allowance.