UMAKYAT na sa pitumpu’t isa ang bilang ng mga nasawi sa Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu, batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa kanilang Situational Report, sinabi ng NDRRMC na ang lahat ng naiulat na nasawi ay for Validation pa.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Samantala, inihayag ng ahensya na 559 ang bilang ng mga nasugatan na lahat ay for Validation din.
Batay sa datos ng NDRRMC, 128,464 families o 455,631 individuals ang naapektuhan ng lindol.
Sa naturang bilang, 405 families o 1,251 individuals ang nanunuluyan sa apat na Evacuation Centers.
Nagdulot din ang lindol ng dalawang Landslides sa Region 7.
Limampu’t tatlong siyudad at munisipalidad ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa epekto ng malakas na lindol.
