IPINAGDIWANG ng mga Afghan ang pagbabalik ng Internet at Telecom Services matapos i-shutdown ng Taliban Government at umani ng malawakang pagkondena.
Ayon sa Local reporters, nagpapatuloy na ang komunikasyon habang inihayag ng Internet Monitor na Netblocks na “Partial Restoration” pa lamang ang Connectivity ng Network Data.
ALSO READ:
Kinumpirma ng isang Source na malapit sa pamahalaan na ibinalik ang Internet sa Afghanistan, alinsunod sa utos ng Taliban Prime Minister.
Nakaapekto ang 48-Hour Blackout sa mga negosyo at Flights, at nalimitahan ang Access sa Emergency Services.
Kagabi ay daan-daang Afghans ang dumagsa sa mga kalsada sa Capital City na Kabul para ipamalita na bumalik na ang Internet Connection.