14 November 2025
Calbayog City
Local

DSWD, naglabas ng 22.4 million pesos na pondo para labanan ang kagutuman sa Eastern Visayas

NAG-release ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 22.42 million pesos na pondo para labanan ang kagutuman sa pamamagitan ng pagsuporta sa Livelihood Activities ng animnapung asosasyon sa Eastern Visayas ngayong taon.

Sa nakalipas na mahigit siyam na buwan, ang naturang inisyatiba ay nakapagbigay na ng suporta sa 1,157 members mula sa 60 Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa mahihirap na komunidad sa rehiyon.

Sinabi ni DSWD 8 (Eastern Visayas) Information Officer Jonalyndie Chua, na ang Zero Hunger Program, ay salig sa Sustainable Development Goals, na ang layunin ay puksain ang kagutuman at malnutrisyon habang isinusulong ang Agriculture Practices pagsapit ng 2030.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).