UMABOT sa 36,174 na mga sasakyan ang nadagdag sa mga lansangan sa Pilipinas noong Agosto.
Sa datos na inilabas ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA), mas mababa ang naturang pigura ng 5.5% kumpara sa 38,295 units na naibenta noong Hulyo.
ALSO READ:
Gross Borrowings, pumalo sa 508.5 billion pesos noong Agosto
National Government, uutang ng 437 billion pesos mula sa Local Creditors sa 4th quarter
Mas magandang Agricultural Trade, target sa pagitan ng Pilipinas at Türkiye
Kita ng Pharmaceutical Sector sa bansa, inaasahang aabot sa 2 bilyong dolyar ngayong 2025
Mas mababa rin ito ng 7.4 percent mula sa 39,156 units na naitala noong August 2024.
Sa kabila naman ng pagbaba ay positibo pa rin ang industriya na lalago ang vehicle sales upang maabot ang sustainable mobility.
Sa kabuuang pigura, 79.02% o 28,583 units ay Commercial Vehicles habang ang natitirang 7,591 units o 20.98% ay Passenger Cars.