NASA 343,920 learners mula Grades 1 to 10 sa Eastern Visayas ang sasaklawin ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, para tulungan ang mga batang hirap magbasa, ngayong Academic Year.
Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) Regional Office, ang naturang pigura ay kumakatawan sa 40.29% ng 853,510 learners na kasalukuyang naka-enroll sa Grade 1 to 10.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Mayorya ng Target Learners o 157,230, ay secondary students na ang performance ay tatlong School Years na mas mababa sa kanilang inaasahang grade level, base sa result ng Philippine Informal Reading Inventory (PHIL-IRI).
Sa Statement, sinabi ni DepEd Eastern Visayas Regional Director Ronelo Al Firmo na tutugunan ng ARAL Program ang mababang reading proficiency ngayong School Year 2025-2026.
Ang ARAL Program ay ipinatupad sa ilalim ng Republic Act 12028, na ang layunin ay punan ang learning gaps sa Reading, Mathematics, at Science para sa Kindergarten hanggang Grade 10 learners.
