PLANO ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Eastern Visayas na pangasiwaan ang Registration ng nasa apatnalibong manggagawa sa pribadong sektor ngayong taon para sa pag-avail ng libreng Health Services sa ilalim ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP).
Sinabi ni DOLE Regional Information Officer Norma Rae Costimiano na layunin nilang dalhin ang YAKAP Registration sa may dalawampung malalaking establisyimento sa rehiyon, na ang bawat isa ay mayroong nasa dalawandaang empleyado.
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Ang YAKAP na programa ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ay Enhanced Primary Care Benefit Package sa Pilipinas kung saan pinalawak ang dating Konsulta Package para magbigay ng komprehensibo at Proactive Healthcare sa lahat ng mga miyembro.
Isinagawa ng Labor Department ang Regional Launch kahapon sa Don Orestes Romualdez Electric Cooperative sa Tolosa, Leyte, na may 200 workers.
