NAGSIMULA nang mag-report for duty ang libu-libong Reservists bago ang itinakdang opensiba ng Israeli Military para sakupin ang Gaza City.
Sa ulat ng Israeli Media, marami sa Reservists ang ide-deploy sa inokupang West Bank at Northern Israel para palitan ang Active-Duty Personnel para sa opensiba.
Una nang inumpisahan ng Ground Forces ang hakbang sa labas ng pinakamalaking Urban Area sa Gaza, na ayon sa militar ay balwarte ng Hamas.
Nakaranas na rin ang lungsod ng matinding Israeli Aerial at Artillery Bombardment, kung saan sinabi ng Local Hospitals na mahigit limampung Palestinians ang nasawi, simula hatinggabi.




