SAMPUNG rebelde ang patay habang apat na iba pa ang sumuko sa Northern Samar, bilang resulta ng pinaigting na kampanya para pulbusin ang New People’s Army (NPA).
Ayon sa Philippine Army, nagsimula ang Momentum noong July 31 nang mapaslang ang walong NPA members sa dalawang magkasunod na engkwentro sa Barangay San Isidro sa Las Navas.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Apat sa mga nasawi ay matataas na lider ng Eastern Visayas Regional Party Committee.
Nagresulta rin ang engkwentro sa pagsuko ng isang rebelde at pagkumpiska sa sampung High-Powered Firearms na lalong nagpahina sa Operational at Armed Capabilities ng EVRPC.
Noong Aug. 24 ay tatlo pang NPA members ang boluntaryong sumuko sa 78th Infantry Battalion na naka-base sa Northern Samar.
Itinurnover din nila sa militar ang isang .45 caliber pistol at isang 9mm pistol.
Ang pinakahuling sagupaan ay noong Aug. 27 kung saan dalawang rebelde ang napaslang habang dalawang M16 rifles ang narekober ng mga awtoridad.
