TINAYA sa dalawandaan libong katao ang nagpatala para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa COMELEC.
Sa inilunsad na sampung araw na Voter Registration noong Biyernes, Aug. 1, binuksan din ng Pollbody ang labinsiyam ng Sites para sa kanilang Special Register Anywhere Program (SRAP) sa mga paaralan, Transport Terminals, at ilang piling mga ospital.
Mga buto na narekober sa Taal Lake, planong ipadala ng DOJ sa ibang bansa para sa DNA Testing
Pagtaas ng taripa sa imported na bigas at pansamantalang pagpapatigil sa importasyon, inirekomenda ng DA
Pangulong Marcos, nasa New Delhi, India para sa 5 araw na State Visit
PCG, nagpadala ng eroplano para bantayan ang Chinese Research Vessel na namataan malapit sa Cagayan
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na pinili nila ang mga lokasyon ng Registration Booths dahil sa mataas na Foot Traffic o ma-tao.
Idinagdag ni Garcia na hindi mahalaga kung maabot nila o hindi ang isang milyong target, dahil sampung araw lang naman ang Registration Period.
Kumpara aniya ito sa Feb. 12 to Sept. 30 na ikinasa nila noong Registration Period na umabot lamang sa 2.2 million ang nagpatala.
Gayunman, inihayag ng Poll chief na sakaling lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapaliban sa BSKE, itutuloy ang Voter Registration sa Oktubre at magtatagal ito hanggang sa July 2026.
Samantala, nais ng mga Healthcare Worker na mapasama sila sa mabibigyan ng pagkakataon na makaboto ng maaga tuwing magdaraos ng halalan sa bansa.
Ayon kay Dr. Wenceslao Llauderes, Medical Center Chief II ng Jose Reyes Memorial Medical Center, welcome sa kanila ang inisyatiba ng Commission on Elections na pagkakaroon ng Special Registration sa nasabing pagamutan dahil marami sa kanilang mga doktor at nurse ang hindi nakakapagparehistro dahil sa tawag ng tungkulin.
Sa mahigit dalawang libong (2,000) empleyado ng Jose Reyes, nasa kalahati aniya ang hindi rehistrado.
Pero ayon kay Llauderes, mas mainam din sana kung mapapasama ang mga Healthcare Worker sa Early Voting kapag halalan, dahil madalas din na hindi sila nakakaboto.
Sinabi ni Llauderes na kapag eleksyon kasi, naka-Code White ang mga ospital sa bansa at kailangang naka-duty ang mga doktor at staff para handa sila sakaling may mga pasyenteng dadalhin sa mga pagamutan.