PLANO ng Department of Justice (DOJ) na ipadala sa isang Foreign Laboratory, ang mga buto na narekober sa Taal Lake sa Batangas, para sa Advanced DNA Testing.
Inamin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kulang ang Pilipinas sa Technological Capacity para sa Complex DNA Analysis, kaya posibleng ipadala nila ang mga buto sa Japan.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Binigyang diin din ng kalihim na mahalaga ang integridad ng imbestigasyon, kaya handa ang gobyerno na gawin ang anumang kinakailangan para lumutang ang katotohanan.
Una nang humingi ng tulong ang DOJ sa Japan para sa pagsasagawa ng mas Advance na DNA Testing sa mga narekober na buto na iniuugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.