NAGLABAS ng Lahar Advisory ang PHIVOLCS para sa Bulkang Mayon bunsod ng inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Dante, Typhoon Emong at Habagat.
Ayon sa PHIVOLCS ang mararanasang malalakas hanggang matitinding pag-ulan ang Bicol Region ay maaaring magdulot ng pag-agos ng Volcanic Sediment o lahar sa mga lugar sa paligid ng Bulkang Mayon.
Partikular na apektado ang mga komunidad malapit sa mga daluyan ng tubig sa Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matanag, Basud at Bulawan Channels.
Nakasaad sa abiso na maaaring maganap ang pagdaloy ng lahar o agos ng putik mula sa bulkan dahil sa tuluy-tuloy na ulan, na magdudulot ng pagbaha, pagkasira, o pagkalubog ng mga mabababang lugar.
Pinapayuhan ng DOST-PHIVOLCS ang mga residente at lokal na pamahalaan sa mga nabanggit na lugar na maging mapagmatyag, at patuloy na sumubaybay sa kalagayan ng panahon.