ISINAILALIM na rin State of Calamity sa lungsod ng Navotas, sa gitna ng nararanasang sama ng panahon at matinding pagbaha.
Sa isinagawang Special Session, kahapon, sa pangunguna ni Vice Mayor Tito Sanchez, kasama ang buong konseho, idineklara ni Mayor John Rey Tiangco ang State of Calamity, sa pamamagitan ng City Resolution No. 2025-71.
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Sa naturang deklarasyon, mabibigyan ng karapatan ang lokal na pamahalaan na gamitin ang Calamity Fund upang tulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Crising at matinding pagbaha.
Kahapon ng umaga ay isang pader sa Celestino St. sa Barangay San Jose ang gumuho dahilan para umagos ang tubig at nagdulot ng hanggang lagpas bawyang na baha, na sinabayan pa ng 2.0 meters na High Tide.
Ang Navotas ang ika-limang lungsod sa Metro Manila na nagdeklara ng State of Calamity, sunod sa Quezon City, Maynila, Malabon, at Marikina.
Samantala, nagdeklara na rin ng State of Calamity ang mga lungsod ng Valenzuela at Caloocan.